Ang La Union ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Ilocos sa Luzon. Ang kabisera nito ay ang lungsod ng San Fernando. Pinalilibutan ito ng Ilocos Sur sa hilaga, Benguet sa silangan, at Pangasinan sa timog. Sa kanluran ng La Union ay ang Dagat Timog Tsina.
93% ng populasyon ng La Union ay mga Ilokano at mga Romano Katoliko. Mayroong mga maliliit na komunidad ng mga Pangasinense sa timog, mga Igorot naman sa ibaba ng La Union, at mga Intsik naman sa siyudad.
Ang mga Ilokanong mula sa La Union ay mga edukado. Ang San Fernando, ang kabiserang siyudad, ay ang administratibo, edukasyunal at pinansyal na sentro ng Rehiyon I.
Ang La Union ay nahahati sa 19 na bayan at isang lungsod.
unang destinasyon >>>>>>LA uNION
TumugonBurahin